ka-Blog!

wakoko wakoko pics music Favorite Links ka-Blog!

after swapmeet get together

September 21, 2009

pagkatapos ng sobrang init na swapmeet sa the fort, trion towers, nagkayayaan sa bahay nina 143collect para mag kwentuhan at kumain na rin.

di na nakasama sina zeof, denz, vdubs, shadow. ang present ako, ivy and kids, tinio and wife, louie and millie(nabuhay!), jun and dina, dareen, martin, dee and michelle. sumunod ang royal family, haring solomon, reyna tililing(napalitan na yung reyna tiririt), prinsipe abante, prinsesa melly. humabol din si donskie. syempre si bert di na nakasunod, bertolina nga e.

kfc, pancit, kanin ang main menu. nagpaluto pa si vic ng tokwa't baboy, spring roll saka pritong lumpia. di nagkasabay ng kain dahil nagsimba muna yung iba, e gutom na yung mga nandun, una na kaming kumain.

para maiba naman, tanduay rhum ang binili ni martin para sa after dinner toma, me halong coke and ice, rhum cola na! si louie parang na sunburn na naman sa mukha, hehehe. andun pa rin ang background na " si haring solomon, me alagang pagong, me biyak sa likod, na parang pinalakol....."

medyo maagang nag si uwian sa sobrang pagod sa swapmeet dahil nga ibang klase ang init dun, muntik pang mag kagirian ang wakoko saka ang sunday group, buti na lang kinunan...

[More]
Posted at: 10:41 PM | 0 Comments | Add Comment | Permalink

avenue burger ridiculous challenge

September 19, 2009

pagkatapos ng field trip(school) sa avilon zoo, na saksakan ng init tapos inulan, kailangan ihatid si mrs, majikero sa makati buendia para sa isang appointment.

ang oras: 11pm

ang lugar: shell buendia

ang siste: maghintay matapos yung appointment

ang solusyon: kontakin si shadow23raver, pati sana si dareen, kaso problema, wasak! hectic schedule e

after 1liter of distilled water from shell and 4 sticks of yosi, dumating na si marc. kape sa mcdo at fries ako, float naman ke marc. intay sandali, at dumating na din si ivy. nag milkshake din sa mcdo. e di pa pa nya nasubukan kumain sa avenue burger, napagkasunduan na pumunta at susbukan daw ni marc yung 1lb burger challenge. GO!

syempre kailangan documented. order muna si ivy ng onion rings, si marc yung burger challenge na. sa kin bacon mushroom melt at ako taga video, gamit cellphone. 

rules:

bayaran muna buo ang presyo ng burger(255php)

inform cashier of the challenge(para damihan siguro gulay, hehehe)

walang tira

kailangan maubos ang burger(3 patties=1lb) within 5 minutes

balik sa cashier ang receipt, refund of 255php

winners can only win once

ok na, ready set go!

(di pa na upload video, pag na upload na, post ko link dito)...

[More]
Posted at: 01:50 PM | 0 Comments | Add Comment | Permalink

lamay sa namatay ................na ipis ni marc

September 17, 2009

     dito na naman kami kina chairman, konting kainan,

may lechon dala sina H. present sina tinio.

shadow23raver, mrs. majikero, syempre dito rin sina

pinoychum, dina, bahay nila to e.

     kakatapos lang kain kina chairman, konting

kwentuhan, tapos dumating si dareen at si takumiskyline.

salamat sa butong pakwan. nadala pa ni mrs. majikero sa

office.
     e naglabas ng mixed nuts, tabi na agad ni dareen na

di naman umubra kina mrs. majikero. san mig lights para

sa regular dose of alcohol tapos bago magsiuwian, hirit

pa ng wanton mami sa kowloon house, da best talaga

gumimik pag food trip. partida pa ke marc dahil bagong

bunot ipen.

bagong alias ni bert--"bertolina"

sa susunod uli
Posted at: 04:16 AM | 0 Comments | Add Comment | Permalink

pancit party

September 16, 2009

pancit party kina chairman kagabi, si marc nag text sa kin mga 10pm na, pagod sa trapik saka walang sasakyan, di na ko nakasunod.

present sina haring solomon, reyna tiririt, dareen, shadow23raver at syempre sina chairman.

 next time, agahan mo mag text marc.


Posted at: 11:54 AM | 2 Comments | Add Comment | Permalink

wakoko happenings

September 15, 2009

syempre walang magawa ng 1:30am kanina, kaya...ta-dah! eto na ngayon ang wakoko.mysite.com

share lang namin mga lakad, gimik, at kung anu ano pa.

anything under the sun, kumbaga.

 o sya, post na.


Posted at: 06:54 AM | Permalink

Posts by Date

Recent Posts

Archives